Para Sa Lahat Ng Mga Taksi Drayber
Disclaimer: Hindi ako ang nagsulat nito. Yung alter ego ko.
Pagkatapos ng 30 minutos na paghihintay, nakasakay rin ako ng taksi.
"Manong, ma-trapik po ba ngayon?"
"Oo, ma-trapik kahit saan."
"Yun naman pala eh. Bakit namimili pa ng pasahero yung mga drayber?!"
Bahagyang tiningnan ako ng mamang drayber mula sa rear view mirror. Tumahimik na lang ako.
Maraming paliwanag/dahilan na ang narinig ko kung bakit namimili/kailangang mamili ng pasahero ang mga (bwisit na) taksi drayber. Kesyo paparada na sila. Kesyo lugi sila sa gasolina. At syempre pa, ang pinakamatinding b*llsh*t sa lahat ay ang pagdadahilan ng "trapik". Una, mali ang konteksto. Ang trapik ay tumutukoy sa daloy ng mga sasakyan--mabilis man o mabagal. Hindi naman (ata) ako sadista. Naiintindihan ko ang ilan sa mga dahilan ng mga taksi drayber. May katwiran din naman (siguro) sila. Pero kung iisipin ko kung gano ang hirap ng mga commuters para lang maisakay nila, sumasakit ang bangs ko. Kung ayaw nila ng mabagal na trapik, sana hindi na lang sila nag-drayber. Sana wag na lang nilang ilabas ang mga taksi nila kung hindi naman mapapakinabangan ng tao. Sana sa bahay na lang sila. Magpagulong-gulong sila sa binating itlog saka nila iprito ang mga sarili nila.