OK NA (milk and money)
Nagkita isang umaga sa Buendia
Agad nilapitan, kamustahan
Nagkangitian, naalala ang mga nakalipas
Sa iyong mga mata palang kitang-kita
May tinatago ka
Para bang gusto mo kong balikan
Pero hindi na, wag na lang
Kasi ako ngayon
OK na ko ngayon
Di tulad ng dati, umiiyak sa 'yo
OK na ko ngayon
Di tulad ng dati, umaasa sa 'yo
Nagpaalam, ako'y aalis na
Salamat sa munting kwentuhan
Kelan tayo magkikitang muli?
Sabi ko, hindi na, di na kailangan
Paalam na, o giliw ko
Ako'y lalayo na, lumigaya ka sana
Wag mong kalilimutan ito
Isang paalala para sa 'yo
OK na ko ngayon
Di tulad ng dati, umiiyak sa 'yo
OK na ko ngayon
Di tulad ng dati, nahihibang sa 'yo
OK na ko ngayon
Di tulad ng dati, umiiyak sa 'yo
OK na ko ngayon
Di tulad ng dati, umaasa sa 'yo
OK na ko ngayon
Di tulad ng dati, natotorete sa 'yo
OK na ko ngayon
Di tulad ng dati, nahihibang sa 'yo
Di tulad ng dati...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home